Matagumpay ang isinagawang pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Victory Day sa Peace Museum Grounds sa Kiangan, Ifugao nito lamang ika-1 ng Setyembre 2025.
Tampok sa selebrasyon sa isang banal na misa, na sinundan ng wreath laying ceremony, candle lighting at gun salute bilang pagbibigay-pugay sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban para sa kalayaan ng bansa.
Ang aktibidad ay dinaluhan ang mga pamilya ng mga beterano ng digmaan mula sa iba’t ibang lalawigan, gayundin ng mga kawani at opisyal ng pamahalaan, at iba pang mga panauhin mula sa publiko at pribadong sektor.
Isinagawa rin ang Veterans Forum at Veterans Night sa Municipal Gymnasium na layuning bigyang-pugay at pagkilala ang mga beterano at kanilang mga naiambag sa kasaysayan ng bansa.


Samantala, sa ikalawang araw ng pagdiriwang ay muling nagsagawa ng isang parada, at panibagong seremonya ng wreath laying at gun salute, at isang trade fair ang ginanap sa WWII Memorial Shrine.
Ang taunang pagdiriwang na ito ay paalala sa kahalagahan ng pagkakaisa, katapangan, at pagmamahal sa bayan mga katangiang isinabuhay ng ating mga beterano sa panahon ng digmaan.
Ang makasaysayang okasyong ito ay ginugunita bilang pag-alala sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas, partikular na sa Northern Luzon.






