Isingawa ang distribution of medical assistive devices sa 15 residente ng Pura, Tarlac para sa kanilang mga mahal sa buhay na may karamdaman nito lamang Lunes ika-1 ng Setyembre taong 2025.
Pinangunahan ni Mayor Epoy Valmores, ang pagbibigay ng wheelchair, quad cane tungkod at iba pang kagamitang medikal.
Personal at masayang tinanggap ito ng mga Puranians bilang suporta sa kalusugan at rehabilitasyon ng mga kamag-anak sa pamamagitan ng tamang gamit na makatutulong sa kanilang paggaling o pang-araw-araw na aktibidad.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Pura na nagbibigay tulong sa mga kababayan na nangangailangan lalo na sa usaping kalusugan.







