17.7 C
Baguio City
Wednesday, September 30, 2026
spot_img

Gunrunner, timbog sa Bulacan; improvised firearms at bala, narekober

Timbog ang isang gunrunner sa ikinasang buy-bust operation ng Baliwag City Police Station at narekober ang improvised na baril at bala sa Brgy. Tarcan, Baliwag City, Bulacan dakong 11:15 ng gabi noong Setyembre 25, 2026.

Kinilala ang suspek na isang 40-anyos na lalaki na residente ng naturang lugar na nakuhanan ng isang improvised caliber .22 firearm na may serial number 8621, tatlong bala ng caliber .22 at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ng suspek.

“Ang patuloy na operasyon laban sa ilegal na baril ay bahagi ng ating mas pinaigting na kampanya upang maiwasan ang paggamit ng mga armas sa krimen at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan,” ani PCOL Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles