Matagumpay na isinagawa ng Geodetic Engineers of the Philippines (GEP) Region 1 – Ilocos Sur Chapter, sa tulong at gabay ng DENR-CENRO Bantay, ang isang tree planting activity sa UNP-EFC, Marcos District, Santa, Ilocos Sur noong Agosto 30, 2025.
Layunin ng programa na mapalakas ang adbokasiya sa pangangalaga ng kalikasan, pagsusulong ng kalinisan at kalusugan ng kapaligiran, at pagbibigay ng serbisyo sa komunidad. Ang bawat punong itinanim ay nagsisilbing pamana para sa isang mas luntiang kinabukasan, nagbibigay ng mas preskong hangin, at nagsusulong ng balanse at masiglang ekolohiya.
Ang ganitong aktibidad ay kaagapay ng hangarin ng Bagong Pilipinas na itaguyod ang disiplina, malasakit sa kalikasan, at pagkakaisa ng mamamayan tungo sa isang maunlad at ligtas na pamayanan.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang GEP sa University of Northern Philippines (UNP) at DENR-CENRO Bantay sa kanilang walang sawang suporta. Sa pagtutulungan ng bawat isa, napagtitibay ang pangako na mag-alaga ng kalikasan at mag-iwan ng positibong pamana para sa susunod na henerasyon.
Source: GEP Region 1-Ilocos Sur Chapter FB Page




