17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Financial Assistance handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga

Patuloy ang ipinapakitang malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa pamamagitan ng pagbibigay ng Financial Assistance para sa mga may mga karamdaman sa Capitol Compound, Brgy. Sto. Niño, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Martes ika-21 ng Oktubre 2025.

Pinangunahan ito ni Governor Lilia “Nanay” Pineda, Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, katuwang ang mga Board Members ng naturang lugar.

Natanggap ang 47 Cancer Patients ng regular na financial assistance, habang 700 pang Kapampangan ang nakatanggap din ng tulong pinansyal bilang suporta sa kanilang gamutan at gastusing medikal.

Layunin ng programang ito na patuloy na maipadama ang serbisyong may malasakit at matulungan ang mga Kapampangan na dumaranas ng mga malulubhang karamdaman upang mapagaan ang kanilang pinansyal na pasanin.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na serbisyong may malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Kapampangan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles