20.2 C
Baguio City
Tuesday, May 7, 2024
spot_img

Construction Worker, patay sa isang aksidente

Patay ang isang construction worker habang sugatan ang kanyang kasama matapos maaksidente sa Pinewoods Subdivision, Sta. Lucia Km3, Asin Road, Baguio City nito lamang umaga ng Abril 23, 2024.

Kinilala ang biktima na isang 52 taong gulang, tubong Samar at kasalukuyang construction worker at residente ng Baguio City.

Batay sa ulat, lumabas sa bahay ang biktima kasama ang kanyang katrabaho upang maghanap ng meryenda nang mawalan ng preno ang kanilang sinakyang motorsiklo dahilan ng kanilang pagsalpok sa poste ng kuryente sa nasabing lugar.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay habang ang kanyang kasama ay nagtamo ng minor injury at kasalukuyang nagpapagaling sa hospital.

Samantala, walang tigil ang pulisya sa pagpapaalala na laging magsuot ng helmet hindi lamang dahil sa paglabag kundi para sa proteksyon at kaligtasan, maging ang maingat na pagmamaneho para maiwasan ang katulad ng nabanggit na aksidente.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles