16.5 C
Baguio City
Wednesday, May 8, 2024
spot_img

134 Aeta Scholars, nakatanggap ng Cash Assistance

Nakatanggap ang 134 aeta scholars ng cash assistance mula kay Governor Dennis Pineda sa Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-24 ng Abril 2024.

Matagumpay na naisagawa ang naturang pamimigay sa pamumuno ni Governor Dennis “Delta” Pineda, Governor ng Pampanga katuwang si Vice Governor Lilia Pineda na nagbigay ng inspirasyon sa mga benepisyaryo upang makatapos sa pag-aaral at maitaas ang estado ng kanilang buhay.

Bawat scholar ay nakatanggap ng Php5,000 to Php10,000 pesos na cash assistance na nagbigay tuwa at labis na pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil malaking tulong ito sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral.

Ang lalawigan ng Pampanga ay patuloy na maghahatid ng pinansyal na tulong at magsasagawa ng higit pang mga proyekto at programa na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa mas matibay na ugnayan ng komunidad at mga namamahala ng nasabing lalawigan.

Panulat ni Janice M Bulahao

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles