Sa gitna ng matinding bagyong Nando, hindi nagpatinag ang lokal na pamahalaan ng Nueva Era, Ilocos Norte at ang kanilang katuwang na mga ahensya. Mabilis silang kumilos kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Social Welfare and Development Office, Local Disaster Risk Reduction and Management Office, at Nueva Era MPS upang maabot at matulungan ang mga pamilyang lubos na naapektuhan ng kalamidad noong Setyembre 24, 2025.
Sa kabuuan, 493 pamilya sa mga barangay ng Uguis at Barangobong Nueva Era ang na-isolate ng bagyo, ngunit sa tulong ng kanilang masigasig na aksyon, natanggap nila ang kinakailangang suporta—mula sa pagkain at pangunahing pangangailangan hanggang sa moral na pag-asa.
Ang mabilis at koordinadong pagtulong na ito ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan: sa kabila ng unos, may mga kamay na handang umalalay at puso na handang magbigay ng pag-asa. Sa bawat tulong na naibigay, muling naipapakita ang lakas ng komunidad—na kapag nagkaisa, walang bagyo ang hindi kayang lampasan.
Source: Nueva Era Ilocos Norte




