23.8 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

Apayao Serbisyo Fair kaugnay sa 68 na kaarawan ni PBBM, idinaos

Idinaos ang Apayao Serbisyo Fair kaugnay sa 68 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na may temang “Serbisyo Fair: Handog ng Pangulo, Serbisyong Tapat Para sa Lahat 2025” sa BGVJr. Memorial Sports Center sa Luna, Apayao nito lamang ika-13 ng Setyembre 2025.

Ang aktibidad ay bahagi ng sabayang paghatid ng mga serbisyo ng gobyerno sa buong bansa bilang pagdiriwang ng ika-68 kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao katuwang ang mga National Line Agencies (NLAs) at mga na lokal na organisasyong pangmamamayan, layunin ng administrasyon na gawing mas abot-kamay ang serbisyo publiko sa antas ng komunidad.

Ipinakilala sa Serbisyo Fair ang mga programa ng lalawigan tulad ng ASENG, Project BUTSY, at ang Zero Billing Policy sa mga district hospital. Naghatid din ng tulong ang mga ahensyang gaya ng DOLE, TESDA, DTI, DSWD-SWAD, CSC, LTO, at PhilHealth sa pamamagitan ng mga serbisyo para sa kabuhayan, trabaho, pagsasanay, at kalusugan.

Tampok sa fair ang pamamahagi ng binhi, makinaryang pansakahan, medical consultations, scholarship opportunities, at National ID registration at marami pang ibang serbisyong pampamahalaan para sa maraming yApayao, ito ay isang bihirang pagkakataon upang makatanggap ng tulong nang hindi na kailangang bumiyahe palabas ng kanilang komunidad.

Ang Serbisyo Fair ay patunay ng epektibong pagtutulungan ng lokal at pambansang pamahalaan para sa direktang paghatid ng serbisyo sa taumbayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles