22.2 C
Baguio City
Monday, October 26, 2026
spot_img

Anim na estudyante, na-expel matapos masangkot sa umano’y bullying sa Melvin Jones, Baguio City

Na-expel sa kanilang paaralan ang anim na estudyanteng umano’y sangkot sa pambubully at pisikal na pananakit sa isang kapwa estudyante sa Melvin Jones Football Grounds sa Baguio City kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo  News Team sa lola ng biktima, sinabi nitong nagtamo ang kanyang apo ng mga pasa sa noo, likod ng ulo, at kaliwang bahagi ng dibdib matapos umanong saktan ng anim na estudyante.

Bukod dito, nakaranas din umano ng pagsusuka at pagkahilo ang biktima makaraan ng dalawa o tatlong araw pagkatapos ng insidente.

Dahil dito, sumailalim ang biktima sa CT scan, habang hinihintay pa ng pamilya ang resulta ng pagsusuri upang matukoy ang kanyang kondisyon.

Sa ngayon, pinayuhan din umano ang biktima na mag-home school muna matapos ang insidente.

Bagamat na-expel na sa paaralan ang anim na estudyante, nananatili pa rin ang pangamba ng lola para sa kaligtasan ng kanyang apo.

Inaasahan namang magkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng pamilya ng biktima at ng mga pamilyang sangkot sa insidente upang mapag-usapan ang nangyari at ang mga susunod na hakbang at gastos ng pamilya ng biktima.

Source: Bombo Radyo Baguio

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
930,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles