22.7 C
Baguio City
Monday, November 2, 2026
spot_img

PRO CAR: Bantag wala sa lugar nang isagawa ang operasyon sa Lamut, Ifugao; itinangging nakaiwas sa pag-aresto

Nilinaw ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) na wala sa lugar si dating Bureau of Corrections chief Gerald Q. Bantag nang magsagawa ng operasyon ang mga pulisya sa Lamut, Ifugao, nitong Nobyembre 1, 2026.

Ito ay kasunod ng mga kumalat na pahayag na umano’y nakaiwas si Bantag sa pag-aresto ng mga otoridad.

Ayon sa PRO CAR, nagsagawa ng operasyon ang Ifugao Police Provincial Office at 1501st Regional Mobile Force Battalion 15 sa Sitio Alupapan, Barangay Pugol, Lamut, Ifugao, upang beripikahin ang kinaroroonan ni Bantag at isilbi ang warrant of arrest laban dito.

Gayunman, hindi natuloy ang pag-aresto dahil wala sa nasabing lugar ang wanted person nang isagawa ang operasyon.

Dahil dito, nilinaw ng PRO CAR na hindi tama ang mga pahayag na nakaiwas si Bantag sa pag-aresto.

Hinimok naman ng PRO CAR ang publiko na agad ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang mapagkakatiwalaang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga wanted person.

Matatandaang nahaharap si Bantag sa dalawang kasong murder kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid at inmate na si Jun Villamor noong 2022. Noong Hunyo 2023, nag-alok ang Department of Justice ng P2 milyong pabuya para sa impormasyong magtuturo sa kanyang pagkakadakip.

Source: Bombo Radyo Baguio

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
154,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles