18.3 C
Baguio City
Sunday, May 17, 2026
spot_img

Paddarafunan Trade Fair 2025, pormal ng binuksan sa Tuguegarao City, Cagayan

Isa sa mga pangunahing tampok ng pagdiriwang ng Aggao Nac Cagayan ngayong taon ang pormal na pagbubukas ng Paddarafunan Trade Fair 2025 sa Mamba Gymnasium, Cagayan Sports Complex, sa lungsod ng Tuguegarao, Cagayan ngayong araw, ika-23 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Layunin ng nasabing trade fair na ipagmalaki ang mga lokal na produkto, likha, at gawang Cagayano mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan. Isinusulong ito bilang suporta sa mga maliliit na negosyante at micro-entrepreneurs sa rehiyon.

Kabuuang labing-isang (11) booths ang tampok sa exhibit kung saan makikita ang samu’t saring produkto—mula pagkain, handicrafts, lokal na sining, at iba pa—na sumasalamin sa yaman, talento, at galing ng mga Cagayano.

Inaanyayahan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na bisitahin at tangkilikin ang mga kalahok sa trade fair, bilang pakikiisa sa pagpapalakas ng lokal na industriya at kabuhayan sa Cagayan.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,700FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles