16.1 C
Baguio City
Monday, September 30, 2024
spot_img

Mountain View Resort ng Itogon, Benguet

Ang Mountain View Resort ay isang Hotspring Resort na matatagpuan sa Barangay Poblacion, Itogon, Benguet.

Kilala ang munisipalidad ng Itogon, Benguet bilang pangunahing bayan ng pagmimina at isa sa tanyag na getaway weekend destination ng mga lokal na turista dahil sa taglay nitong naggagandahang hotspring resorts.

Mararating ang resort sa pamamagitan ng pagtawid sa isang kahoy na tulay mula sa kalsada.

Ang resort na ito ay may tatlong warm water swimming pool, isang hot water tub at cottages na maaaring gamitin ng mga bisita.

Makikita rin sa tabi ng nasabing resort ang maliit na talon kung saan nanggagaling ang malamig na tubig sa bundok na siyang pinagkukuhanan ng pangkontrol sa temperatura ng tubig sa swimming pool na direkta namang nanggagaling sa hotspring.

Tunay ngang nakakarelax sa pakiramdam at nakakawala ng stress ang lumangoy sa maligamgam na tubig sa swimming pool at magbabad sa hot water dipping tub ng resort sabayan pa ng malamig at sariwang simoy ng hangin.

Source: https://www.pinasmuna.com/2011/07/itogon-hot-spring-resorts-of-itogon.html

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles