21.6 C
Baguio City
Saturday, March 7, 2026
spot_img

Miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan, sumuko sa Bulacan

Sumuko ang isang miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) sa mga otoridad sa Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan nito lamang Sabado, Agosto 30, 2025.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Nano “ 52 anyos, residente ng Brgy. Niugan, Malolos, Bulacan.

Nabatid na ang Rebulusyonaryong Hukbong Bayan ay isang armadong grupong konektado sa kilusang komunista na aktibo sa mga baybaying bahagi ng Bulacan, Pampanga, Bataan, at Zambales.

Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pagturn-over ng isang caliber .38 na walang serial number na may tatlong live ammunition.

Patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan na magbalik-loob ang iba pang miyembro ng teroristang grupo upang muling mamuhay nang payapa at makasama ang kanilang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles