24.2 C
Baguio City
Friday, May 17, 2024
spot_img

Mga abandonadong armas at gamit ng CTG narekober sa Tineg, Abra

Narekober ng 24th Infantry ‘Wildcat’ Battalion ng Philippine Army ang mga abandonadong armas at ilang gamit ng mga Communist Terrorist Group sa Sitio Salngen, Brgy. Anayan, Tineg, Abra nito lamang Hunyo 13, 2022.

Ang mga narekober ay isang M16 assault rifle, mga magazines, pistol holder, medical paraphernalia at ilang mga personal na kagamitan.

Pinaniniwalaan na ang mga narekober na ito ay mula sa mga miyembro ng Komiteng Larangang Guerilla (KLG) na aktibong grupo na tumutuligsa sa gobyerno at kaugnay sa CPP-NPA-NDF.

Patuloy naman ang Philippine Army sa pagsasagawa ng mga operasyon at aktibidad para mahuli at mapigilan ang mga komunistang grupo.

Layunin nitong maghatid ng kapayapaan at maayos na pamumuhay ng mamamayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles