Nagsagawa ng Libreng Operation Tuli Program ang Lokal na Pamahalaan ng Moncada na ginanap sa Moncada Covered Court, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-30 ng Mayo 2025.
Ang naturang programa na pinangasiwaan ni Hon. Estelita Aquino, Mayor ng Moncada katuwang ang mga tauhan ng Municipal Health Office.
Sumailalim ang mahigit 500 kabataan sa nasabing operasyon at binigyan ng libreng gamot upang agad na maghilom at maiwasan ang impeksyon.
Matagumpay ang libreng tuli ng Lokal ng Pamahalaan ng Moncada na binibigyang prayoridad ang kalusugan at kapakanan ng bawat indibidwal sa kanilang nasasakupan.

