Muling isinagawa ang libreng health check para sa mga alagang kambing ng mga residente ng Barangay Balutu, Concepcion, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-15 ng Mayo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Roland Arciga, Municipal Veterenary Office sa ilalim ng Goat Development Program ni Mayor Noel Villanueva ng nasabing munisipalidad.
Ang serbisyong ito ay naglalayong maprotektahan ang mga alagang kambing sa mga sakit at upang mapadami ito na nagbibigay ng dagdag pangkabuhayan sa mga residente.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pagsagawa ng ganitong aktibidad upang mapanatili ang masagana at maunlad na komunidad.

