Muling umarangkada ang Kapitolyo sa Barangay ng Pamahalaan ng Pampanga para sa mga residente ng Barangay Lourdes, Minalin, Pampanga nito lamang ika-14 ng Pebrero 2025.
Ang naturang programa ay pinamunuan ni Hon. Dennis Pineda, Gobernador ng San Fernando, Pampanga, kasama si Vice Gobernador Lilia “Nanay” Pineda, kawani ng PDRRMO PSWDO, PTO, GSO at ibang miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nakatanggap ang mahigit 1,176 na Milaneño ng libreng food packs at financial assistance mula sa Kapitolyo, na labis namang ikinatuwa ng mga benepisyaryo.
Isa sa mga pangunahing layunin ng Kapitolyo ang pangangalaga sa kapakanan at kalusugan ng mga Kapampangan sa ilalim ng Alagang Nanay Preventive Health Care Program.
Ang programang ito ay patunay na sa Pampanga, hindi lang serbisyo ang hatid ng Kapitolyo—kundi tunay na malasakit at pagmamahal para sa bawat mamamayan.
