Nagsagawa ng fumigation ang pamahalaan ng Angeles City sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng lungsod bilang bahagi ng Brigada Eskwela nito lamang Lunes ika-19 ng Mayo 2025.
Ang naturang aktibidad ay programa ng ama ng lungsod na si Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. katuwang ang Angeles City Economic Development Investment Promotions Office (ACEDIPO) na pinamumunuan ni Irish Bonus-Llego.
Laking pasasalamat ng mga guro at studyante sa matagumpay na pagsasagwa ng fumigation sa Salapungan Elementary School, Belen Homesite Elementary School, Pulungbulu Elementary School, Sto. Domingo Elementary School at Leoncia Integrates School.
Layunin ng aktibidad na masiguro ang kaligtasan ng bawat indibidwal sa darating na pasukan sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga lamok na nagdadala ng sakit na maaaring maging hadlang sa kanilang pag-aaral.
Bukod dito, layunin din nitong maipabatid sa mga estudyante ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.
Ang ganitong hakbangin ay patunay na ang mga lokal na pamahalaan ay patuloy na nagsusumikap upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng bawat mamamayan.

