19.8 C
Baguio City
Tuesday, May 13, 2025
spot_img

DOLE RII, pinarangalan ang mga natatanging PESO sa Cagayan sa 2024 Search for Best PESO Awards

Pinarangalan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region II ang mga natatanging Public Employment Service Offices (PESOs) sa Lalawigan ng Cagayan sa ginanap na 2024 Search for Best PESO (SBP) kamakailan sa Pulsar Hotel Premier Suites sa Buntun, Tuguegarao City nito lamang ika-9 ng Mayo, 2025.

Ang SBP ay isang taunang aktibidad na kumikilala sa natatanging pagsisikap ng mga local government units (LGUs) sa larangan ng employment facilitation, career guidance, at labor market services.

Para sa taong ito, kinilala ang mga PESO na nagpamalas ng dedikasyon at inobasyon sa kani-kanilang LGU classifications: Gonzaga (1st Class Municipality), Sanchez Mira (2nd to 3rd Class Municipality), Camalaniugan (4th to 6th Class Municipality), Tuguegarao City (Component City), at ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) para sa Job Placement Office (JPO) category.

Kabilang sa mga bumuo ng Committee on Awards sina TESDA Regional Director Genaro Ronald Ibay, PIA Representative Jessica P. Telan, DILG Representative Christian Florald Morco, Employers’ Representative Cloyd Velasco, at Cagayan Association of Public Employment Service Officers (CAPESO) President Jeffrey L. Salmon.

Dumalo rin sa aktibidad sina CFO PESO Focal Person Johanna Jocelyn G. Alan, TSSD Representative Dionisio Verzola, at Regional PESO Focal Person Kathlyn Sabado, na nagbahagi ng mga alituntunin para sa Search for Best PESO.

Sa isinagawang assessment, binigyang-diin ng komite ang pangangailangan ng mga PESO na palakasin pa ang kanilang pagganap sa mga mahahalagang aspeto, palawakin ang pakikipagtulungan sa mga stakeholders, at tiyakin ang maayos na dokumentasyon upang higit pang mapataas ang kanilang kompetitibidad sa mga susunod na taon.

Source: DOLE RII

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles