21.1 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

Dating CTG Supporter sa Ilocos Norte, kusang sumuko sa pamahalaan

Kusang sumuko at nanumpa ang isang dating tagasuporta ng Communist Terrorist Group (CTG) sa pamahalaan bandang 12:00 ng hapon noong Nobyembre 26, 2025.

Kinilala sa ulat ang sumukong indibidwal bilang isang 55-anyos na magsasaka mula sa Sitio Caiggesan, Barangay Sacritan, Pinili, Ilocos Norte.

Ayon sa impormasyon, siya ay naging tagasuporta ng isang rebeldeng grupo mula 1981 hanggang 1983.

Ang kanyang pagsuko ay isinagawa sa koordinasyon ng mga intel operatives, katuwang ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng isang barangay councilor.

Ginanap ang Oath of Allegiance sa Barangay Sacritan na dinaluhan ng personnel mula sa 101st MC RMFB1, Pinili MPS, 103rd MC, PIU, RID PRO1, at RMU1.

Bilang bahagi ng suporta ng pamahalaan sa mga nagbabalik-loob, ang sumukong indibidwal ay tumanggap ng groceries na nagkakahalaga ng Php1,000 at isang (1) 25-kilo na sako ng bigas.

Ang pagsuko nito ay isang proactive measure upang tuluyang mahinto ang anumang ugnayan ng indibidwal sa mga natitirang grupo ng CTG, at upang maiwasan ang posibilidad na muling sumama o makipag-ugnayan sa kanila. Isinagawa rin ang thorough debriefing upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad at ng mismong sumuko.

Panulat ni PMSg Marvin Jake Romero

Source: 101st MC RMFB1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles