19 C
Baguio City
Thursday, May 2, 2024
spot_img

Dalawang miyembro ng NPA, sumuko

Kusang sumuko ang dalawang miyembro ng NPA sa mga otoridad sa Bontoc, Mountain Province nito lamang ika-12 ng Abril 2024.

Ang mga sumuko ay dalawang lalaki na may edad 54 at 56 anyos, kapwa residente ng Natonin, Mountain Province at mga miyembro ng Non-PSRTG, Militia ng Bayan sa ilalim ng KLG Marco, Artus Talastas Command.

Kasabay ng kanilang pagbawi ng suporta sa NPA ay isinuko rin nila ang isang (1) baril na isang Bolt Action 30-caliber na may serial number na 53837 at markings na US ARMY Springfield Armory at may anim (6) na bala.

Ang matagumpay na pagbabalik-loob ng nasabing mga NPA sa Baryo ay bunga ng puspusang pagsisikap ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang pagpapaigting sa EO 70 – NTF ELCAC ng gobyerno.

Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob na upang muling mamuhay ng mapayapa at makasama ang kanilang pamilya

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles