16 C
Baguio City
Tuesday, October 1, 2024
spot_img

Dalawang bayan sa Lambak ng Cagayan pinarangalan ng Balangay Seal of Excellence ng PDEA

Pinarangalan ng Balangay Seal of Excellence ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bayan ng Sanchez Mira, Cagayan at Quezon, Isabela nito lamang Miyerkules, Abril 27, 2022 sa Tuguegarao City, Cagayan.

Tinanggap ng mga Punong Bayan ng mga nabanggit na lugar ang parangal na ayon kay Regional Director Joel Plaza ng PDEA Region 2 ay siyang pinakamataas na pagkilala mula sa kanilang ahensya.

Ginawaran ang dalawang bayan matapos maideklarang drug cleared ang lahat ng mga nasasakupang barangay ng mga ito.

Pinasalamatan naman ng mga Lokal na Pamahalaan ng Sanchez at Quezon ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na tumulong at nakiisa sa kanila upang makamit ang pagiging drug cleared Municipality.

Hinihikayat naman ng pamahalaan ang mga mamamayan na makipagtulungan at makialam dahil ang laban sa ilegal na droga ay hindi lamang laban ng gobyerno kundi laban ng bawat Pilipino.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles