Ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III ay umalalay sa Brigada Eskwela ng Mangaldan Integrated School Sped Center sa Barangay Bantayan, Mangaldan, Pangasinan, nito lamang June 14, 2025
Sa Brigada Eskwela, tinabasan ng mga kawani ng General Services Office ang mga puno sa loob ng school compound para mailayo sa kapahamakan ang mga estudyante at mga guro lalo na at mapapadalas ang paghagupit ng mga bagyo.
Umabot din sa isang libong katao ang nabigyan ng masustansyang pagkain hatid ng GUICOsina.
May ipinamahagi ring school supplies gaya ng mga notebooks, pad papers, erasers at mga lapis.
Ang matagumpay na aktibidad ay dahil sa pagtutulungan ng Mangaldan Integrated School Sped Center sa pamumuno ni Principal Leo Blaquir, PTA Officers na pinangungunahan ni Mrs. Liza Abrio, GSO, PGO, Ritchie De Guzman Abalos, Political & Social Development Consultant at Manaoag Community Hospital sa pamumuno ni Dr. Donn Doria.