13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Bahay na Bato sa Luna, La Union

Isa sa mga dinadayo ng mga turista sa Luna, La Union ay ang bahay na gawa sa maliliit at iba’t ibang hugis na klase ng bato na obra ng mga eskultor ng probinsya.

Ang nasabing bahay na bato ay pag-aari ng mag-asawang Dr. Edison Noble at Dr. Purita Chan Noble na matatagpuan sa Barangay Nalvo Norte, Luna, La Union.

Sa bungad pa lamang ng Villa o bahay ay mamamangha ka na sa iba’t ibang hugis at kulay ng mga bato na inukit at nilagyan ng disenyo.

May mga batong ginawang kagamitan, ginawang pang-dekorasyon, at ginawang hugis ng iba’t ibang klase ng hayop.

Pagpasok sa loob ng bahay na bato ay mayroong nakaayos na dekorasyong sining na gawa sa mga bato.

May mga corals na nakalagay sa mga dingding at ang mga maliliit na bato ay maayos na nakalatag at siyang ginawang sahig.

Kita ang magandang tanawin sa tabing dagat, mga along tumatama sa mga iba’t ibang klase ng maliliit na bato sa dalampasigan ng Luna.

Dahil sa kakaibang disenyo at napakapreskong tanawin nito, hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Luna ang mag-asawa na gawing atraksiyong pangturista at buksan sa publiko.

Layunin nitong makapagbigay ng hanapbuhay para sa mga residente ng nasabing lugar.  

Source:

http://www.wazzuppilipinas.com/2015/11/la-union-bahay-na-bato-open-art-gallery.html

https://philippinetravelforum.com/bahay-na-bato-la-union/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles