Opisyal na pinaabot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang buong pagsuporta sa kandidatura ni Atty. Marlon Bosantog bilang ikalawang nominado ng IPEACE EPANAW Party-list sa darating na National and Local Elections sa ika-9 ng Mayo 2022.
Ang IPEACE EPANAW Party-list ay kabilang sa mga party-list na pinayagan ng Commission on Election (COMELEC) upang mangampanya para sa puwesto sa kongreso at nakalista sa balota bilang 171.
Nilalayon ng naturang party-list na pagbukludin ang mga indigenous people sa Mindanao at magsilbing makinarya para sa politikal, kultural at panlipunang pagbabago tungo sa pagkamit ng layunin at hangarin alinsunod sa batas.