Arestado ang isang binatilyo na nakuhanan ng sumpak sa Brgy. Muzon South, City of San Jose del Monte, Bulacan nito lamang Setyembre 21, 2026.
Nakuha mula sa suspek ang isang (1) improvised handgun o “sumpak” na may lamang isang (1) live ammunition na 12-gauge caliber at nahaharap sa kasong Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patuloy ang maigting na kampanya ng Bulacan PNP kontra loose firearms upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at kaligtasan ng mga mamamayan sa lalawigan.




