Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Philippine Civil Service, matagumpay na
Isinagawa ang Project PAKKAL o Programang Alay sa Kalusugan at Kalakasan para sa Lahat
bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Philippine Civil Service sa Barangay Consuelo, Santa Marcela, Apayao noong Oktubre 9, 2025.
Pinangunahan ng mga empleyado mula sa Capitol at Congress ang nasabing programa bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Provincial Government of Apayao na mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa bawat mamamayan.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, naipaabot sa mga residente ang iba’t ibang frontline services tulad ng medical check-up, libreng gamot, konsultasyon, at iba pang serbisyong pampubliko na nakatutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan.


Ang ganitong uri ng outreach program ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao na palawakin ang abot ng mga programa at serbisyong pampubliko, lalo na sa mga liblib na barangay.
Sa pamamagitan ng Project PAKKAL, muling pinatunayan ng mga lingkod-bayan ng Apayao ang kanilang tunay na diwa ng malasakit at dedikasyon sa paglilingkod.




