Sumuko sa gobyerno ng Nueva Ecija ang labing-apat na miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) noong Abril 21, 2022.
Ang mga sumuko ay symphatizers ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) at Alyansang Mangbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa ilalim ng Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas (KMP).
Sumuko ang mga miyembro sa pakikipag-ugnayan nila sa 2nd Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit 5, 84th Infantry Brigade Philippine Army, 303rd Mechanize Company Regional Mobile Force Company, 145 Special Action Company 14 Special Action Battalion Special Action Force, 22 Special Action Company 2 Special Action Battalion Special Action Force, Llanera Municipal Police Station (MPS), San Jose City Police Station, Talavera MPS, Aliaga MPS, Llanera Local Government Unit, Regional Intelligence Division 3 at Provincial Intelligence Unit.
Ang mga sumuko ay nakatanggap ng food packs mula sa gobyerno.
Patuloy na isasagawa ng Philippine National Police at Philippine Army ang Local Peace Engagement activities ng DILG tulad ng information dissemination at situational interview.
Layunin nitong ipamulat sa kanila ang mga programa ng gobyerno, ng pagkakataong mabago ang kanilang buhay at itama ang mga pagkakamaling kanilang nagawa dahil sa panlilinlang ng makakaliwang grupo.