23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Ang nakakamanghang Talon ng Kaparkan sa Abra

Mahuhumaling ka talaga sa ganda ng Kaparkan Falls o kilala bilang Mulawin falls dahil sa taglay nitong mistulang hagdan-hagdang talon na matatagpuan sa Sitio Kaparkan, Barangay Caganayan, Tineg, Abra.

Ang Kaparkan Falls ay may sukat na humigit-kumulang 1000 metro ang taas kung saan ang tubig na nagmumula dito ay umaagos sa Tineg River.

Natuklasan ito noong 2015 ng mga mamamayan ng nasabing lugar at naging tanyag ang mga larawan nito sa internet.

Hindi nagtagal ay naitampok ito sa mga sikat na TV travel series tulad ng Kapuso Mo Jessica Soho at Biyahe ni Drew at unti-unti na nga itong nakilala sa bansa.

Sa kasalukuyan ay kinikilala ito bilang pinaka-photogenic na talon ng Pilipinas at isang lugar kung saan sulit na sulit ang iyong oras at pera.

Dagdag pa rito ay ang isang napakalaking puno ng balete na nakapaloob sa Kaparkan Falls na nagbibigay ng hindi kapani-paniwalang senaryo na umaakit sa maraming lokal na turista at maranasan ang once-in-a-lifetime adventure.

Nabiyayaan ang Pilipinas ng maraming magagandang talon subalit wala pa ring maihahalintulad sa ganda ng Abra Kaparkan Falls.

Source: https://hiketomountains.com/kaparkan-falls-enchanted-paradise-of-abra-province/

Related Articles

2 COMMENTS

Comments are closed.

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles