Hindi lingid sa ating kaalaman na noong sinaunang panahon, ang mga kababaihan ay nakasentro lang sa mga gawaing bahay. Hindi sila nabibigyan ng patas na oportunidad sa lipunan. Ngayon, ang ating kababaihan ay higit na sa kung ano sila noon.
Sila ay nagkaroon na ng pantay na karapatan. Nakakapag-ambag na sila ng malaking pagbabago sa iba’t-ibang larangan, katulad na lamang sa edukasyon at maging sa pagpapanatili ng kapayapaan sa ating bayan. Naririnig na ang kanilang boses at nabibigyang pansin ang kanilang mga hinaing. Tunay na ang mga kababaihan ay isa ng matibay na sandalan sa ating lipunan.
Kaugnay sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan, ang mga tauhan ng Paniqui Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol. Edison C Pascasio, Officer-in-Charge ay namahagi ng libreng lugaw sa mga batang residente ng Sitio Maligaya Brgy. Abogado, Paniqui, Tarlac. Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng mga miyembro ng Paniqui Force Multipliers and United Women of Paniqui Samput Chapter.
Tuwa at ngiti naman ang sukli ng mga bata dahil sa dalang pagkain ng kapulisan. Sa pamamagitan nito ay naipapadama nila na ang pulis ay hindi dapat katakutan kundi kanilang kaibigan at kakampi.