29.7 C
Baguio City
Tuesday, May 7, 2024
spot_img

3,078 na Estudyante sa Alaminos City, tumanggap ng allowance

Pinangunahan ng Alkalde ng syudad ng Alaminos na si Mayor Arth Bryan C. Celeste ang pamamahagi ng allowances for 2nd Semester SY: 2023-2024 sa mga Category B scholars sa syudad noong Abril 21, 2024.

Ipinahayag naman ng Mayor ang kanyang buong suporta para sa kapakanan ng mga kabataan na makitang matagumpay sa kanilang mga pangarap na siyang hangarin ng programa na isa rin sa mga pinakamalaking proyekto ng lokal na pamahalaang lungsod.

Nagbahagi naman ng mensahe ng inspirasyon at pasasalamat ng dalawa sa mga naging Beneficiary ng Alaminos City Scholarship Program na sina Mr. Marvin Ranches at Mr. Mark Harley Bristol.

Tinalakay naman ng mga scholarship coordinators na sina Ms. Realyn Lejero at Ms. Maridel Rabac ang mga paalala at iba pang mahahalagang bagay ng Alaminos City Scholarship Program upang higit na maunawaan ng mga scholars ang mga nakapaloob dito kasama sina City Administrator Atty. Walter M. Macaiba at City Human Resource Management Officer Dr. Emielou E. Gellado.

Source: LGU Alaminos

Panulat ni Manlalakbay

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles