20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Ang kabundukan ng Sierra Madre

Ang Sierra Madre ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Ang bulubunduking ito ay kinikilalang “Gulugod (Backbone) ng Luzon”. Sa hilaga nagsisimula ang saklaw sa lalawigan ng Cagayan at nagtatapos sa Timog sa lalawigan ng Quezon.

Sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ay nakakabit ang mga bundok ng Caraballo na saklaw ng Sierra Madre Mountain kasama ang Kabundukan ng Cordillera.

Ang bulubundukin na ito ang nagsisilbing pangharang sa bagyo sa pamamagitan ng pagbawas ng epekto ng mga bagyong mula sa Karagatang Pasipiko bago marating ang gitnang kalupaan.

Ang kabundukan ng Sierra Madre ang isa sa mga pangunahing nag-aambag sa ekonomiya ng bansa dahil sa mga watershed o natural na imbakan ng tubig na nagsusuplay sa pang-irigasyon sa mga palayan ng Gitnang Luzon at Lambak ng Cagayan. Gayundin, ang malinis na inumin at kuryente na ginagamit sa Metro Manila.

Tirahan at pinangangalagaan ito ng iba’t ibang katutubong komunidad. Ito ay ang mga katutubong kultural/katutubong pamayanan ng Agta, Dumagat/Remontando, Isneg, Ibanag, Ikalahan, Gaddang, Ilonggot, Kabihog at ng Bungkalot.

Pinakaingat-ingatan ito ng mga katutubong pamayanan dahil matatagpuan sa loob nito ang mahahalagang sagradong lugar na pinagdadausan ng mga ritwal, pinagkukunan ng pagkain, halamang gamot at iba pang yamang gubat.

Source: Wikipedia

####

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles