Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Pinukpuk Fire Station sa ilalim ng matatag na pamumuno ni FSINSP Gilbert B. Ngaya-an, sa isang operasyon ng Search, Recue, and retrieval kasama ang Pinukpuk PNP, mga lokal na awtoridad, at mga boluntaryong sibilyan sa Sitio Baclas, Barangay Apatan, Pinukpuk bandang 7:33 ng gabi nito lamang ika -17 ng Mayo 2025.
Ang biktima ay si G. Elmer Paredes Racsa Jr., mula sa Catacdegan Viejo, Manabo, Abra, ay naglalakbay sakay ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Abra-Kalinga Road nang siya ay tinangay ng malakas na agos ng tubig mula sa bundok at tuluyang nahulog sa isang bangin na may tinatayang lalim na 20 metro.
Agad isinakay ang biktima sa PNP Patrol Car at dinala sa Pinukpuk District Hospital, ngunit idineklarang dead-on-arrival (DOA) ng doktor.
Nanawagan naman ang mga awtoridad sa publiko, na magmaneho nang mabagal at may tamang bilis maging maingat , alerto at mapagmatyag sa kapaligiran upang maiwasan ang aksidente.
