22.3 C
Baguio City
Friday, June 13, 2025
spot_img

Sabayang Coastal Clean-Up Drive, idinaos kasabay ng 442nd Aggao Nac Cagayan

Matagumpay na isinagawa ang sabayang coastal clean-up drive sa lahat ng baybaying-dagat sa lalawigan ng Cagayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng 442nd Aggao Nac Cagayan nitong Lunes, ika-9 ng Hunyo 2025.

Pinangunahan mismo ni Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) Head Atty. Leonard Beltran ang aktibidad sa dalampasigan ng bayan ng Aparri. Ayon sa kanya, ang clean-up drive ay hindi lamang simbolikong gawain kundi isang mahalagang hakbang upang maipabatid sa publiko ang epekto ng basura, lalo na ang microplastics, na maaaring makapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagkaing-dagat.

Binigyang-diin ni Atty. Beltran ang kahalagahan ng wastong edukasyon para sa mga residente ng mga baybaying komunidad, lalo’t sila ang direktang nakikinabang at naapektuhan sa kalagayan ng dagat. Aniya, “Awareness ito para sa lahat. Kailangan natin ng tamang kaalaman at disiplina para mapangalagaan ang ating kapaligiran.”

Samantala, tiniyak ng CENRO-Aparri ang patuloy na pagbibigay ng technical support at environmental monitoring sa mga coastal area ng lalawigan. Nakibahagi rin sa aktibidad ang mga kawani ng Kapitolyo ng Cagayan, Lokal na Pamahalaan ng Aparri, mga volunteer, at ilang environmental groups na sama-samang kumilos para sa kalikasan.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles