Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Camp Alejo S Santos, Barangay Bulihan, Malolos City, Bulacan nito lamang Biyernes, Mayo 16, 2025.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka” Ruby, 42 anyos, isang housewife, tagasuporta at dating miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB), isang armadong grupo na kilusang komunista na gumagalaw sa mga baybaying bahagi ng Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales.
Nabatid na isinuko din nito ang isang caliber 38. revolver na baril na walang serial number at tatlong bala.
Patuloy ang pamahalaan sa panawagan sa iba pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.
