Personal na bumisita at nagsagawa ng inspeksyon si Atty. Rolen C. Paulino Jr., Olongapo City Mayor, sa bagong air-conditioned Pediatric Wards ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) nito lamang Martes, ika-10 ng Hunyo 2025.
Katuwang ni Mayor Paulino sa pagbisita si
Dr. Jesse Jewel Manuel, Chief, JLGMH, na kung saan hindi lamang ang pasilidad ang kanilang sinuri—nakipag-ugnayan rin sila sa mga pasyente at kanilang mga pamilya upang tiyakin ang maayos, komportable, at makataong serbisyong medikal na nararapat para sa bawat isa.
Ibinahagi rin ng mga magulang at bantay ng pasyente ang kanilang pasasalamat sa bagong kaayusan sa pedia ward na ngayo’y mas malamig, malinis, at organisado.
Ayon kay Mayor Paulino, bahagi ito ng mas malawak na inisyatibo ng kanyang administrasyon upang itaas ang kalidad ng serbisyong medikal sa lungsod.
Tiniyak nitong isusunod ang pagsasaayos ng iba pang public wards ng JLGMH.
Ang hakbang na ito ay isa sa mga konkretong patunay ng aktibong pamumuno ng lokal na pamahalaan ng Olongapo tungo sa isang mas maayos, episyente, at makataong sistemang pangkalusugan para sa lahat.

