18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Magsasaka at mangingisda tumanggap ng agricultural farm inputs mula sa City Agriculture sa La Union

Nakatanggap ang mga magsasaka at mangingisda ng San Fernando, La Union ng mga agricultural farm inputs sa food terminal ng Brgy. Biday, San Fernando, La Union nito lamang Huwebes, Hunyo 16, 2022.

Ang mga benepisyaryong magsasaka at mangingisda ay mula sa mga barangay ng Calabugao, Pao Norte, Biday, Bancusay, Dalumpinas Este, at Carlatan.

Kabilang sa mga naipamahagi na farm input support ay ang 2,600 packs ng hybrid rice seeds; 1,764 bags ng ammonium sulfate; 1,200 yunit ng knapsack sprayer; 50 rolyo ng fencing net; 25,000 packs ng assorted vegetable seeds; 990 piraso ng seedlings ng assorted certified grafted fruit bearing trees; at 367 bags ng complete fertilizer.

Isang paraan ang aktibidad na ito upang ipakita ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando, La Union sa sektor ng agrikultura.

Hindi naman tumitigil ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa paghahatid ng mga proyekto at aktibidad na makatutulong hindi lamang sa ating agrikultura, kundi pati na rin sa mga magsasaka at mga mangingisda na siyang talagang nagtatrabaho upang umunlad ang ating agrikultura.

Source: City Government of San Fernando, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles