17.7 C
Baguio City
Tuesday, April 1, 2025
spot_img

Livelihood Assistance, ipinamahagi sa ilang assosasyon at kooperatiba sa Tuguegarao City

Ipinamahagi ang Livelihood Assistance sa mga miyembro ng ilang assosasyon at kooperatiba sa lungsod ng Tuguegarao City na ginanap sa City Hall Lobby, Tuguegarao City, Cagayan noong ika-25 ng Marso 2025.

Pinangunahan ni City Mayor Maila Ting-Que ang pamamahagi, katuwang ang Cooperative and Livelihood Development Office sa pamumuno ni CLDO Head Fe Mallari at ilang tauhan ng City Treasury Office.

Masayang tinanggap ng 68 na miyembro ng Cellphone and Watch Repairers Association at 15 na miyembro ng Certified Visayan Cooperative ang tig-Php3,000 pisong livelihood assistance.

Samantala, nakatanggap naman ang 15 na miyembro ng Tricyle Operators and Drivers Cooperative of Sto Niño de San Gabriel ng tig-Php10,000 na tulong pinansyal.

Sa kabuuan, nasa Php558,000 piso ang naipamahagi nitong Martes sa mga benepisyaryo na makatutulong na mapalago ang kanilang pangkabuhayan, kung saan magsasagawa din ng monitoring ang mga tauhan ng CLDO upang makita kung lumago ang kanilang negosyo.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Maila dahil binibigyan ng pansin ang bawat sektor sa lungsod at walang naiiwan sa mga ito.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles