Nagsagawa ng libreng pagsasanay ang lokal na pamahalaan ng Bulacan sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa Santa Maria, Bulacan nito lamang Sabado, ika-10 ng Pebrero 2024.
Pinangunahan ito ni Mayor Omeng Ramos ng Santa Maria Bulacan at SK President Marco Trajano katuwang ang Public Employment Service Office at Local Youth Development Office
Dito ay nagsagawa ang TESDA ng Book keeping Training sa mga SK Treasurer ng bayan ng Bulacan bilang paghahanda sa malaking gampanin ng mga ito sa kanilang nasasakupan.
Layunin ng naturang pagsasanay na mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga kabataan upang mas magampanan nila ng maayos ang kanilang tungkulin.