18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Isang CTG member na may mataas na kalibre ng baril nadakip ng AFP

Nadakip ng Armed Forces of the Philippines ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa isinagawang intelligence operation sa Sitio Dilan, Barangay Namal, Asipulo, Ifugao nito lamang Huwebes, Hunyo 16, 2022.

Ayon sa ulat, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na puwersa ng 54th, 69th, 71st Infantry Battalion at 73rd Military Intelligence Company.

Ang nadakip na isang CTG member ay si Edward Gamiao Jr at kilala bilang “Alvin” at “Daniel” na nakalista sa PSR noong 2021 at mula noon ay mahigpit siyang binabantayan ng mga intelligence operatives ng gobyerno.

Narekober din mula kay Gamiao Jr ang isang M16 rifle na may magazine at isang identification card ni Avelyn Bonuan, ang Front Secretary ng Kilusang Larangang Gerilya “AMPIS” ng Ilocos-Cordillera Regional Committee.

Si Gamiao Jr at ang narekober na mataas na baril at mga kagamitan ay dinala sa 54IB Headquarters, Ibulao, Brgy. Baguinge, Kiangan, Ifugao para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles