24.3 C
Baguio City
Monday, May 19, 2025
spot_img

International AIDS Candlelight Memorial 2025, ipinagdiwang sa Baguio City

Matagumpay na ipinagdiwang ang 2025 International AIDS Candlelight Memorial sa Baguio Convention and Cultural Center Grounds, Governor Pack Road, Baguio City noong ika-16 ng Mayo 2025.

Sa pangunguna nina Mayor Benjamin Magalong, mga Konsehal na sina Kgg. Betty Lourdes Tabanda at Elmer Datuin, at City Health Officer na si Dr. Celia Flor Brillantes, isinagawa ang seremonya ng pagsisindi ng kandila bilang paggunita sa mga nasawi sa AIDS at bilang pagkilala sa mga patuloy na lumalaban sa sakit.

Higit pa sa paggunita, naging sentro ng programa ang pagtaas ng bilang ng mga kasong HIV/AIDS sa hanay ng kabataang taga-Baguio.

Ayon sa datos ng City Health Services Office, mula 1984 hanggang Pebrero 2025 ay naitala ang kabuuang 734 kaso ng HIV sa lungsod.

Karamihan sa mga apektado ay mga kabataang nasa edad 15 hanggang 21, at kadalasan ay kabilang sa MSM (men who have sex with men) group.

Bunsod nito, iginiit nina Dr. Brillantes at Mayor Magalong ang kahalagahan ng mas masinsinang edukasyong sekswal, pinalawak na youth counseling, at tuloy-tuloy na pagbibigay ng libreng HIV testing.

Layunin ng mga hakbanging ito na maprotektahan ang kalusugan, karapatan, at kinabukasan ng mga kabataan sa gitna ng lumalalang banta ng HIV/AIDS.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles