Isang makabuluhang Inspire Program (Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion) para sa sektor ng agrikultura ng Lokal na Pamahalaan ng Morong ang isinagawa sa Brgy. Binaritan, Morong, Bataan nito lamang Lunes ika-9 ng Hunyo taong 2025.
Sa ilalim ng Livestock Program FY 2023, pormal nang sinimulan ang proyektong “Construction of Biosecure Swine Finisher Operation Facility” ng Department of Agriculture Regional Field Office III katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Morong sa pamumuno ni Mayor Cynthia G. Linao-Estanislao.
Matagumpay na naihatid ang mga biik na magsisilbing panimula ng operasyon ng pasilidad, na layuning tulungan ang mga lokal na magbababoy at patatagin ang suplay ng karne ng baboy sa nasabing lugar.
Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan ng Morong upang mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka at magbababoy, at matiyak ang sapat na suplay ng pagkain para sa bawat residente.
