14.6 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

Hybrid Yellow Corn Seeds, ipinamahagi sa mga magsasaka

Pinangunahan ni City Mayor Maila Ting-Que ang pamamahagi ng Hybrid Yellow Corn Seeds sa pitong Barangay ng Lungsod ng Tuguegarao City na ginanap sa Tuguegarao City Hall Lobby, Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Ika-27 ng Abril 2024.

Pinondohan ng Pamahalaang Panlungsod sa pamamagitan ng City Agriculture Office ang nasa 730 bags na Hybrid Yellow Corn Seeds na ipinamahagi sa mga magsasaka ng mais sa mga barangay ng Gosi Norte, Gosi Sur, Libag Norte, Libag Sur, Atulayan Norte, Atulayan Sur at Annafunan West.

Ang nasabing inisyatibo ay naglalayong matulungan ang mga magsasaka sa gitna ng nararanasang krisis at epekto ng El Niño phenomenon.

Binigyan diin ni Mayor Maila sa kanyang mensahe na isa ang sektor ng agrikultura sa kanyang prayoridad, sa katunayan aniya, nito lamang nakaraang linggo ay dumating na ang dalawang bagong biling traktor para magamit ng mga magsasaka.

Malugod namang pinasalamatan ni City Agriculturist Dr. Evangeline Calubaquib si Mayor Maila sa patuloy nitong pagsuporta sa mga magsasaka ng Lungsod.

Ang distribusyon ay pinangasiwaan ng mga tauhan ng City Agriculture Office at dinaluhan nina City Administrator Juanito Calubaquib at City Councilor Grace Arago.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles