17.8 C
Baguio City
Wednesday, May 21, 2025
spot_img

Guro mula sa Benguet, kinilala bilang Outsanding Global Researcher and Best Presenter sa Vietnam

Kinilala si Ginoong Wilbert B. Wanas, isang guro mula sa Guinaoang National High School, Guinaoang, Benguet, bilang Outsanding Global Researcher at Best Presenter sa isinagawang 2025 International Educators Conference & Global Educators Awards sa Vietnam noong ika-17 ng Mayo 2025.

Ang aktibidad ay may temang, “Innovating Education: Advancing Pedagogical Research for Global Impact and Sustainability”, na dinaluan ng mga piling edukador at mananaliksik mula sa iba’t ibang bansa upang ibahagi ang makabago at epektibong pamamaraan sa edukasyon.

Ginawaran si Ginoong Wanas ng Outstanding Global Researcher at Best Presenter para sa kanyang pananaliksik na pinamagatang, “ASOK CHRONICLES: Understanding the Phenomenon of Vaping Among High School Students – A Basis for an Intervention Program” at itinanghal ding Impromptu Speech Champion.

Tinanggap ng mga hurado at tagapamahala ng kumperensya ang kanyang pag-aaral nang may mataas na paggalang dahil sa pagiging napapanahon, malalim na pagsusuri, at konkretong mungkahi para sa mga hakbang pang-interbensyon laban sa lumalaganap na isyu ng vaping sa mga kabataan.

Ayon sa mga tagasuri, namukod-tangi ang kanyang presentasyon dahil sa malinaw na pagkakalahad, matibay na datos, at taos-pusong hangaring mapangalagaan ang kapakanan ng mga estudyante.

Ang tagumpay ni G. Wanas ay nagsisilbing inspirasyon hindi lamang para sa Guinaoang NHS kundi sa buong sektor ng edukasyon sa bansa.

Ipinapakita nito na ang husay at galing ng mga Pilipinong guro ay kayang kilalanin sa buong mundo, lalo na kung may kasamang dedikasyon, pananaliksik, at malasakit para sa kabataan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles