Nagsagawa ng Earthquake Drill ang Munisipalidad ng Narvacan sa pamumuno ng MDRRMO, Bureau of Fire Protection at Philippine National Police bandang 9:00 ng umaga nitong ika-9 ng Nobyembre 2023.
Bilang bahagi ng nasabing drill, unang tumunog ang isang ambulansya at alarma sa Brgy. Poblacion bilang senyales na simulan na ang paghahanda para sa paparating na Earthquake Drill.
Ang mga empleyado ng LGU-Narvacan ay nagsagawa ng dock-cover-hold at pagkatapos nito ay lumalabas mula sa Main Building at nagtipon-tipon sa kalsada. Naging maayos ang drill sa patnubay ng mga tauhan ng BFP at ng PNP.
Ang regular na gawaing ito ay isinasagawa bilang bahagi ng pagpapaalala sa mga empleyado at maging sa mga residente ang kahalagahan ng patuloy na paghahanda sa oras ng lindol.
Hinimok naman ni Mayor Pablito Sanidad ang lahat na makipagtulungan sa regular na pagsasagawa ng drill para maging handa ang lahat sa oras ng sakuna.
Source: Municipal Government of Narvacan, Ilocos Sur
Panulat ni Malayang Kaisipan