18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

DSWD KALAHI-CIDSS, nagkaloob ng mga Proyektong Pangkaunlaran sa Bayan ng Piat, Cagayan

Nagkaloob ng apat na proyekto ang Department of Social Welfare and Development II sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) sa pamamagitan ng Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Balik Probinsya Bagong Pag-asa (KKB-BP2) modality sa lokal na pamahalaan ng Piat, Cagayan, noong ika-25 ng Hulyo 2024.

Kabilang sa mga iginawad na proyekto ay ang tatlong water supply system na naglalayong magbigay ng sapat at malinis na tubig sa komunidad ng Poblacion 2, Villarey, at Warat.

Samantala, ang pagsemento ng 728 metrong kalsada sa Barangay Baung ay magpapabilis ng transportasyon at magpapadali sa pagdadala ng mga produkto mula sa bukid patungo sa pamilihan.

Sa kabuuan, ang mga proyektong ito ay nagkakahalaga ng Php6,101,261.82, kung saan Php4,500,000.00 ay mula sa KALAHI-CIDSS KKB-BP2P, Php1,524,763.09 mula sa Local Counterpart Contribution (LCC) ng munisipalidad, at Php76,498.73 mula sa LCC ng mga barangay.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Asst. Regional Director for Operations Franco G. Lopez na ang partisipasyon ng komunidad at suporta ng lokal na pamahalaan ang nagsilbing gulugod ng mga proyektong ito. Sa bawat hakbang ng implementasyon, mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasakatuparan, ang mga miyembro ng komunidad ay aktibong nakiisa at nag-ambag ng kanilang oras, lakas, at ideya.

Nagpapasalamat naman ang komunidad sa napakalaking tulong ng mga proyektong ito. Ang mga ito ay simbolo ng pagkakaisa at patuloy na pagsusumikap tungo sa kaunlaran. Hinikayat din ang komunidad na pangalagaan ang mga proyekto upang ang mga ito ay magtagal at makatulong pa sa mas maraming tao.

Source: DSWD REGION II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles