Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Storm “Kristine” sa Lambak ng Cagayan, naka-alerto ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 nitong Oktubre 22, 2024.
Ang Quick Response Team (QRT) ng ahensya, kasama ang mga City/Municipal Action Teams at Social Welfare and Development (SWAD) offices sa rehiyon ay nakahanda na sa paparating na bagyo.
Bilang pangunahing ahensya na nangangasiwa sa Food and Non-Food Items cluster, nakatuon ang DSWD Field Office 2 sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga maapektuhang pamilya. Dahil dito, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa iba’t ibang lokal na pamahalaan para sa probisyon ng mga relief goods.
Maliban dito, tiniyak din ng ahensya na may sapat na suplay ng food at non-food items na nakaimbak sa iba’t ibang warehouse ng Field Office 2 upang agad matugunan ang mga pangangailangan ng mga maapektuhang pamilya o indibidwal.
Source: DSWD II