23.8 C
Baguio City
Wednesday, May 21, 2025
spot_img

City Agriculture Office, namahagi ng rice seeds, disinfectant at knapsack sprayers sa mga magsasaka ng Angeles City

Namahagi ng 37 sako ng binhing palay at disinfectant para sa mga alagang manok ang City Agriculture Office ng Angeles City sa mga magsasaka mula sa Barangay Sapalibutad, Cutud, Mining, at Pulungbulu nito lamang Huwebes, ika-15 ng Mayo 2025.

Ang pamamahagi ay inisyatibo ng naturang City Agriculture Office sa tulong ng Department of Agriculture saa pangunguna ni City Agriculture Officer Rea R. Dizon sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., Angeles City Mayor.

Namahagi ng rice seeds sa mga magsasaka sa nasabing lungsod at bukod dito, namigay rin ng disinfectant para sa mga alagang manok. Bilang karagdagang suporta sa mga ito, namahagi rin ng 14 na yunit ng knapsack sprayers.

Layon ng programang ito na matulungan ang mga magsasaka sa kanilang produksyon at mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng mga alagang hayop, sa patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura sa lungsod.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles