Matagumpay na isinagawa ang Brigada Eskwela Kick-off Parade sa Am-am National High School sa Cadad-anan, Tadian, Mountain Province noong ika-9 ng Hunyo, 2025.
Ang nasabing parada na may temang “Sama-Sama Para Sa Bayang Bumabasa” ay sinundan ng isang maikling programa kung saan binigyang-diin ni Congressman Maximo Y. Dalog, Jr., na kinakatawanan ni G. Dionisio Wacdisen, ang kahalagahan ng pagkakaisa.
Nanawagan ito para sa mas masigasig na pagsusumikap sa pagtamo ng layunin na magbigay ng mas magandang edukasyon para sa mga bata.
Ang paglilinis ng paligid ng paaralan, pag-cemento ng mga mesa sa reading park, pagpipinta ng aklatan ng IPED center ay ilan sa mga gawaing isinagawa ng DepEd at ng komunidad.
Tampok din sa aktibidad ang isinagawang tree planting na dinaluhan din ng iba’t ibang ahensya at tanggapan.
Ang aktibidad ay nagbigay-diin sa mahalagang papel ng sama-samang pagsisikap sa pagpapalaganap ng edukasyon at pagpapalago ng kultura ng literasiya.

